https://www.facebook.com/photo?fbid=240537684877958&set=a.184633020468425
PCG STATION SA PAG-ASA ISLAND
Ito ang kasalukuyang sitwasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan ilang araw matapos ang matinding pananalasa ng Bagyong #OdettePH sa isla.
Sira man ang kabuuang istasyon, pero nananatiling matatag ang pundasyong humahawak sa watawat ng Pilipinas.
Sa pakikiisa ng sambayanang Pilipino, babangon ang isla ng Pag-asa at iba pang lugar na lubhang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
We will recover as one!
[Photo Courtesy: Philippine Coast Guard]