https://www.facebook.com/coastguardph/posts/261553692676657Matagumpay na inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ikalawang 97-METER MULTI-ROLE RESPONSE VESSEL (MRRV) sa Shimonoseki Shipyard, Japan ngayong araw, ika-18 ng Nobyembre 2021.
Bahagi ito ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2) ng Department of Transportation - Philippines (DOTr) para sa modernisasyon ng PCG.
Sa oras na ma-i-deliver sa bansa ang dalawang unit ng nasabing barko sa susunod na taon, ito na ang magiging pinakamalalaking floating asset ng PCG. Mas malaki ito sa 83-meter off-shore patrol vessel (OPV) na BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na gawa naman sa France.
Narito ang ilan sa mga ‘specifications’ ng dalawang 97-meter MRRV ng PCG na naka-modelo sa Japan Coast Guard (JCG) Kunigami-class vessel:
- Maximum speed na hindi bababa sa 24 knots
- Endurance na di bababa sa 4,000 nautical miles
- Kakayanang magsagawa ng pang-matagalang pagpapatrolya sa malawak na maritime jurisdiction ng Pilipinas, kasama ang West
Philippine Sea, Philippine Rise, at katimugang bahagi ng bansa
Ayon kay Undersecretary for Maritime, CG Admiral George V Ursabia Jr, tiyak na mapapalakas ng dalawang barko ang pagsasagawa ng maritime search and rescue (SAR), maritime law enforcement, humanitarian assistance, at disaster response operation ng PCG.
Kaya naman bilang kinatawan ni DOTr Secretary Art Tugade sa isinagawang virtual launching ceremony, kinilala ni Usec. Ursabia ang pakikipag-kooperasyon ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Japan government, at Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd. tungo sa modernisasyon ng PCG.
Samantala, nagpahayag din ng pasasalamat si PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo V Laroya kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at DOTr Secretary Tugade na lubos na sumusuporta sa pagpapalawak ng kapasidad ng PCG.
Siniguro ng PCG Commandant na gagamitin ang mga bagong barko sa pagpapaigting ng seguridad at kaligtasan, gayundin sa pagpapatupad ng rule of law sa maritime jurisdiction ng Pilipinas.
===
